Tumatanda na pala ako. Letsugas.
Wah. letsugas na buhay ititch. Walang magawa. Well, all the kiddos have their classes na, siyempre execept sa'ming mga oldies na next week pa.
Mukhang mauubusan pa ata ako ng ink sa printer ko. Harrr. Wag sana, wag sana. Di ko pa tapos iprint ang mga tabs ko. Hay, nasusuka na ko dito sa bahay. Tapos letsugas, magdi-disisyete na ko sa June 13. Antanda ko na!
Hai joskoh, namimiss ko na si Airatoinks.
Bruha, naglulumandi na ang mga bata ng panahon ngayon, juskoh, nung kapanahunan naming elem eh, hindi kami pakikay-kikay, tambay kami lagi ng library o kaya naman eh nasa may tapat ng accounting office or worst, sa room lang at nagpapaka-studious. Aba'y wala pang friendster nun. Blogperson pa lang ako. Ahsus, tingnan mo naman mga profile nila ngayon, may nalalaman laman pa silang "EMO ako" kahit na ang pinakikinggan nilang music ay kay Lindsay or kanta ng CUESHE na nakakamatay. Hay bruha. Na-aagitate ako.
Hay nakoh, pag tumatanda ka nga naman, kung anu-ano nang napapansin mo sa kabataan.
Posted by TheWickedBride at 01:41 PM | 2 kissed me!

Katurai. wheeee. ansaya saya ko. Thanks din kay ate, hay, ang sisterly bonding chorva. Be back sa July 7. Wui ang dalawang bessy ko. Si Kaths at si Tommy, hope to see you guys, soon ha.